Song: Ako Naman Muna
Artist:  Angela Ken
Year: 2021
Viewed: 29 - Published at: 3 years ago

[Intro]
La-la
La-la-la-la-la-la
La-la-la-la-la-la

[Verse 1]
Kada hakbang sa lupa'y para akong inaalon
At nalulunod sa batikos ng mundo
Sa kung ano lamang ang kaya ko
Pigang-piga na sa mga
Problemang 'di masolusyonan agad
Parang wala ng bukas, pwede bang umiwas?

[Verse 2]
Hinahanap ang sarili ngunit
'di na kakayanin sa ligaw na dinadaanan ko
'San na 'to patungo?
'San na 'ko patungo?

[Pre-Chorus]
Dahan-dahan nating simulan muli ang pag-hakbang
Dahan-dahang tumingin sa salamin
Upang makita ang ating kagandahan
Dahan-dahang i-angat ang mukha
Upang masilayan ang payapang kalangitan
[Chorus]
Oo, pagod ka na
Pero 'di ka nag-iisa
Kaya't lumaban ka
At sabihing, "Ako naman muna"

[Verse 3]
Kada langhap sa hangin
Pansin ko na lagi na lang usok
Walang malinis halos puro polusyon
Parang ako raw na konsumisyon
Gulong-gulo ang isip 'san ba lulugar kapag nagkamali
Grabe sila manghusga, bakit perpekto ba sila?

[Verse 4]
Huminga ka ng malalim at isipin nang mabuti
Ang mga desisyong ilalaan para sa kinabukasan
Nang makapunta sa paroroonan kung

[Pre-Chorus]
Dahan-dahan nating simulan muli ang pag-hakbang
(muli ang paghakbang)
Dahan-dahang tumingin sa salamin
Upang makita ang ating kagandahan
Dahan-dahang i-angat ang mukha
Upang masilayan ang payapang kalangitan
[Chorus]
Oo, pagod ka na
Pero 'di ka nag-iisa ('di ka nag-iisa)
Kaya't lumaban ka
At sabihing, "Ako naman muna" (ooh-ooh-ooh)
"Ako naman muna" (ah-ah-ah)

[Bridge]
Huwag papalamon sa lungkot
Huwag hahayaang malugmok
Ang puso mo sa ibabato sa'yo ng iba
Tandaan mong sapat ka

[Pre-Chorus]
Dahan-dahang tanggalin ang maskara at
Hayaang tumulo ang bumabadyang mga luha
Dahan-dahang i-angat ang mukha upang
Masilayan ang mga taong ika'y pinapahalagahan

[Chorus]
Oo, pagod ka na
Pero 'di ka nag-iisa
Kaya't lumaban ka
At sabihing, "Ako naman muna"

[Outro]
Ako naman muna

( Angela Ken )
www.ChordsAZ.com

TAGS :