Song: Gaya sa Pelikula
Artist:  Huni
Year: 2021
Viewed: 13 - Published at: 3 years ago

Mga mata’y nakatingin, tibok ng puso’y tumititig
Haplos nang iyong kamay, araw-araw hinihintay
Umaasa ang puso handang masaktan
Bat kailangang ilaban ang nararamdaman…

Kung pwede lang, tayong dalwa ikaw ay palagi kong yakap yakap
Magkadikit mga labi at walang dagat ng matang mapagpintas
Kung pwede lang, tayong dalwa
Gaya sa Pelikula

Pwede bang pagbigyan mga pusong nagmamahalan
Wag mo silang pakinggan tinig nila ay walang halaga
Ang pag ibig natin ay tunay at totoo sino ba sila para pigilan tayo…

Kung pwede lang, tayong dalwa ikaw ay palagi kong yakap yakap
Magkadikit mga labi at sasayaw sa himig ng tadhana
Kung pwede lang, kung pwede lang…

Hihilingin kay Bathala, sa araw sa buwan at mga tala
Upang itigil ang oras, tuwing kasama ka
Kung pwede lang, tayong dalwa at walang tutol sa ating bukas
Kung pwede lang, kung pwede lang, kung pwede lang tayong dalwa…
Kung pwede lang, tayong dalwa magkatabi hanggang mag umaga…
Magkadikit mga katawan papawiin lungkot ng kawalan…
Kung pwede lang, tayong dalwa
Kung pwede lang ipagsigawan na mahal kita
Gaya sa Pelikula…
Gaya sa Pelikula…
Gaya sa Pelikula

( Huni )
www.ChordsAZ.com

TAGS :