Song: Hinto Arpeggiated MIX
Year: 2021
Viewed: 52 - Published at: 7 years ago

[Verse 1]
Sa pag-ibig muling naniwala
Nang dumating ka
Sabi nila’y hindi tama
Ngunit sumugal pa

[Pre-Chorus]
Pero ‘nung nawala ang mga kislap sa mata
Mawawala na rin ba tayong dalawa?

[Chorus]
Bahaghari sa piling mo
Sa isang iglap naging abo
May pupuntahan pa ba ito?
O dito na lang hihinto?

[Verse 2]
Araw-araw ako’y nagtatanong
“Bakit dito humantong?”
Anong nangyari kahit wala namang nangyayari?
Pwede bang kumilos kahit ito’y kunwa-kunwari?
[Pre-Chorus]
Pero ‘nung nawala ang mga kislap sa mata
Mawawala na rin ba tayong dalawa?

[Chorus]
Bahaghari sa piling mo
Sa isang iglap naging abo
May pupuntahan pa ba ito?
O dito na lang hihinto?

[Bridge]
Kahit piliting ayusin
Ano man ang sabihin
‘Di na posible
Sa’ting sirang damdamin
Dito na, hindi na kaya
Dito na, titigil na

[Chorus]
Bahaghari sa piling mo
Sa isang iglap naging abo
May pupuntahan pa ba ito?
O dito na lang?
Dito na lang

Bahaghari sa piling mo
Sa isang iglap naging abo
May pupuntahan pa ba ito?
O dito na lang hihinto?

( Angelique Ferro )
www.ChordsAZ.com

TAGS :