Song: Ilustrado
Artist:  Gloc-9
Year: 2014
Viewed: 83 - Published at: 8 years ago

Tanggapin ang hamon
Buhay mo man ang siyang nakataya
Lumaban at bumangon
Walang abot kapag nakahiga
Sumalungat sa alon
Kahit panulat lang ang baon

Mga letra sa papel na isinulat
Aking mga saloobin na binubuhat
Habang lumulusong sa kumunoy
At maiahon ang bayan na darang sa apoy

Aking ina kumusta ka na
Sa aki’y wag ka mag-alala
Kahit ako’y nawalay sa’yo
Ang nais ko ay malaman mo na

Salamat dahil ikaw ang kauna-unahan kong guro
Sa napakaraming bagay na inyong itinuro
Sa akin at sa lahat ng aking mga kapatid
Kahit madilim ang gabi ay kandila sa silid
Tagadala ng liwanag pag ako’y nagbabasa
Nais ko lamang ay masagip ang iyong mga mata
Nalaman kong karunungan ay 'di dapat duwag
Nang mapatunayan kong minsan ang katarunga’y bulag
Kahit gaano kalupit ang sa iba’y ating sinapit
Pag may galit at pait, sa pagmamahal ka kumapit
Yan ang sabi mo sa akin nang isip ay ibinukas
'Di kailangang gumamit ng dahas upnag maka-alpas
Kulay kayumanggi man ang aking binhi
Hindi magkukubli paglalaban ang lahi
Pag-ibig na taglay aking isinabuhay
Abutin ang tagumpay kahit pa hanggang hukay

Ang kalayaan mo at kalayaan ko
Ang kayamanan nitong bayan ko
Ang kalayaan mo at kalayaan ko
Ang kayamanan nitong bayan ko

Tanggapin ang hamon
Buhay mo man ang siyang nakataya
Lumaban at bumangon
Walang abot kapag nakahiga
Sumalungat sa alon
Kahit panulat lang ang baon

( Gloc-9 )
www.ChordsAZ.com

TAGS :