Song: Inner Demons
Year: 2021
Viewed: 7 - Published at: 5 years ago

[DMTA]
Paano nga ba ilabas pagiging
Positibo sa labas mas pinipili
Ko na lang maging gobas
Kasi ayoko nang makipag debate
Sa inyong palabas masyado nang
Madaming taong nagagas-gas lumalabas
Napara bang walang nangyari
Nag kukunwari sila pa
Ang nalulugmok palubog narin
Ang pananaw kaya ngayon
Madalas naliligaw
Mga taong pasigaw sigaw
Hanggang sa hindi na
Marunong na tumanaw hanggang
Sa utak pa unti unting
Humihilaw dumating sa puntong
Kinamusta ang sarili sa
Sitwasyon tinatahak na daan
Dahil sama-samang nakaraan
Bit-bit-bit-bit ang sama ng loob
Kaya madalas nakikinig sa
Kutob bumibilis ang tunog
Walang magawa kasi malakas
Ang kulog hindi ko
Tinatanggi na sarili nauntog
Kaya natutong mamili may
Bayad ang pangarap kaya pinilit
Maabot sa tyaga may sukling
Natanggap kaya sarili napuna
[JOMATTZ PRDG]
Ano, kamusta ka na? Andami na nga rin nagdaan simula nung
Panahong namulat ka sa kung saan-saan sa san juan
Napabarkada, nag-gang, sa kalsada lumamang ng alam, nahasang maging mas palaban ang pamamaraan
Di madali pinagdaanan, umabot sa punta na mundo'y marami nang kalaban, sa kapalaran, tanging karanasan lang ang naging sandalan, tinamaan ng mga demonyo ko ay mapang-ibabawan, kaya...
Eto na tayo ngayon, nakatayo't nahubog na maigi ng panahon
Naging tugon sa kahapon ay magkampiyon sa ngayon
Tanging tagumpay lamang ating naging motibasiyon
Ang misyon, gamitin ang puso at isipan tungo sa kultura ng hip hop nang may paninindigan at hindi iiwan
Sinabuhay ng buong-buo, tututol maputol na ang rurok ay yaring maabot

[MAJO]
Isa lang din naman ako sa mga tao na nangarap lang
Alam ko naman may hanganan to pero lahat may paraan
Usapang musika nako talaga naman
Kadenang nasa katawan piglas sa limitasyon ay nanlaban
Umuunat na ang sulat na hiling kong maiulat
Sa pag sara ng talukap nagpinta dahil sa sugat
At kausap at binuhat ang sarili ko sa ulap
Ng usok para luminaw ang mga bawat pangungusap
Ng lungkot at pangarap pano ba mag sasabay
Kahit pilayan nyo meron magagamit na saklay
Para lumakad at humakbang kahit laging madapa
Sanay na sa hapdi dyan ako nagpatangay
Kanya kanya tayong laban iba iba ng duelo
Basta ibigay natin ang isang daang porsyento
Wag na mag mane obra at wag ka na prumeno
Nasa atin ang manibela tayo ang nagmamaneho
[TALE INSANE]
Kamusta na ang diablo sa dati kong pagkatao
Litratong pinakwadrong
Nakulong sa mga ulo
Kay dami nang bato na tumama sa akin sintido
Labo-labo, halo-halo
Lumuwang itong turnilyo
Tumubong masamang damo sa tibay ng konkreto
Umaalulong ugaling aso
Sa pang hayop na argumento
Basurang patapon makakahon na sa simento
Liwang di na aaninag sa anino ng demonyo
Tabi-tabi, pasintabi dadaan lang po ako
Sari-sari ang sinabi nagkakamali kayo
Sa pag kakadapa akala'y di na tatayo
Ngayon sumasabay kayo habang tugtog bumabayo
Sa king pag kalito mabuting di to huminto
Salamat Diyos ko po pinagbuksan niyo nang pinto
Lumangoy ako sa borak
Pinaligo ay mabaho
At napatunayan kong sa putik galing ang ginto

[KILLMO]
Saking pagsilip sa kahapon
May bumungad na kabaong
Buhay ko na patapos, di maalala ang pag ahon
Kung ako ay babalik di siguro to babangon
Dati kong angking kulit ay pinalit biglang hinahon
Ako lang to, ako ba to? Ano bang pagkatao?
Mabuti at nabago ko ang dating tarantado
Hindi na importante kung gaano pagkagago
Basta’t nilaban ko at nakita pagbabago~
Di importante pagkagago
Basta’t nakita na nagbago
Di importante pagkagago
Basta’t nakita pagbabago

( ConStruck Music )
www.ChordsAZ.com

TAGS :