Song: KAHILERA
Artist:  Teyo J
Year: 2021
Viewed: 44 - Published at: 6 years ago

V1:
Kahilera, nakatabi lang sa bodega
Oras nakatengga sa paibabang kometa
Mismong sinusukat nang taong-taong pinetsa
Listang pinepetsa kung tama ba ang suspetya
Binuo nang, mga numerong binulong
Sinuplong sa mga bawat turong
Kuro-kurong pisikang nilantad ang katabing
Ibayong iba yung tinalaga at talagang Pinala
Pilit man pero hindi natin masabi sa iba
Kabuuang pisikang ginamit ng iba
Kinuha at pinag-aralan ng mga madla
Ito nga ba talaga ang tinawag na aninong
'Di makita at pilit natin hawakan at malasap

HOOK:

Kahilerang, kinarera
Nang sansinukob
Milyong milyong planeta
Ngunit pareho ang hulog
Agham na panimula sa mata ng mga tao
Sampu-sampung-Isa't anim ang mga itinago
Dalang-dala nang naka-talaga
Salik-saliksikin ang bawat pisika
Agham o ating matematika
Nakakabaliw nga naman talaga ang daluyan nito

Oras-oras pareho ang prutas
Na niiilabas
Bawat tao may kanya-kannnyang
Ginagawa

Mundong ibang anyo ang ating sinampa
Nakita mo sarili pero hindi ka kilala

V2:
Kinaiya nang, sarili mo nang anyo
Ikaw na ikaw pero iba ang mga binato
Iisang mundo, ngunit iba-iba ang tinayo
Liknayang sagot kung bakit ka nandito na ngayon
Parang kang dayuhan na bula ang/bulaang
Napaka-hiraya sa isipan
Pagkat pangkat-pangkat ang kamalayan
Sa isip ng kapwa mo dayuhan
Bakit ba ganon, yari't niyari ng pagkakataon
Isang teorya ang babago isip-isipan ng sanggol
Nasa sampu't, limang daan ang pagkasukat
Nang mga sinukat nang sinuka't ng mga utak
Nabuo ang isang experimentong kinagulat
Nang mga taong tinaong nagmarka at umulat
OUTRO:
Hinduismo, Budismo mitolohikang kosmologo
Kathang-isip na ideyang mga siyentipiko
Ang dami paliko-liko, andaming nang nalilito
Pero pa'no kung totoo ang mga hakang-hakang 'to

( Teyo J )
www.ChordsAZ.com

TAGS :