Song: Luna
Artist:  Aly Remulla
Year: 2021
Viewed: 58 - Published at: 6 years ago

[Verse 1]
Uuwi sa tahanang
Wala namang laman
Baka sakaling merong nag-aabang
Kahit wala naman
Bumibilis lumalakas ang pagbugso
Sa salamin bakit iba ang itsura ko
Nakikinig ka ba sa panalangin ko?
Isang kaibigan lang ang hinahanap ko

[Pre-Chorus]
O nandiyan ka ba, Luna?
Luna
Luna
Luna

[Chorus]
Umiikot ba ang mundong dumidilim?
Kung nandito ka liwanag
Ako’y sagipin
Yakapin mo 'ko, Luna
Yakapin mo 'ko, Luna
Hanggang magising
[Verse 2]
Ikaw lang ang nasisilayan
Sa buong kalawakan
Langit ang ating pagitan
Pero ‘di ito hadlang, hoo
Liwanag mo’y sinusundan
Ngayong gabi
Numinipis nagbabago ang hugis ko
Kani-kanina lang ako’y buong buo
Hindi ko mawari ang pagkakatulad mo
Sa isang mortal sa lupa tulad ko

[Pre-Chorus]
O nandiyan ka ba, Luna?
Luna
Luna
Luna

[Chorus]
Umiikot ba ang mundong dumidilim?
Kung nandito ka liwanag
Ako’y sagipin
Yakapin mo 'ko, Luna
Yakapin mo 'ko, Luna
Hanggang magising

( Aly Remulla )
www.ChordsAZ.com

TAGS :