Song: Nang Ikay Dumating
Year: 2021
Viewed: 47 - Published at: 5 years ago

[Verse 1]
Sa bawat oras na napupuno ng tawa
'Pag ang mundo'y lumiliwanag sa saya
Sa tuwing nasisilayan ang kislap sa 'yong mata
Dinadalangin na ito'y 'di mawala

[Verse 2]
Sa bawat araw na dumidilim ang langit
'Pag ang mundo'y tila pumupula sa galit
Nais kong balutin ka sa aking bisig
Upang hindi maramdaman pait ng daigdig

[Pre-Chorus]
Mula noon hanggang sa walang hanggang bukas
Pagmamahal ko ay walang wakas

[Chorus]
Dahil sa'yo, lahat ng bagay kakayanin
Anumang bagyo, buong loob na susuungin
Bigat ng mundo, kung pwede lamang aking dadalhin
Dahil ang puso ko'y kahati
Mula nang ika'y dumating
[Bridge]
Binago mo'ng takbo ng buhay
Ikaw ang biyaya na Kanyang binigay

[Chorus]
Dahil sa'yo, lahat ng bagay kakayanin
Anumang bagyo, buong loob na susuungin
Bigat ng mundo, kung pwede lamang aking dadalhin
Dahil ang puso ko'y kahati
Mula nang ika'y dumating

( Maricris Garcia )
www.ChordsAZ.com

TAGS :