Song: Pagbabasbas
Artist:  Hangad
Year: 2000
Viewed: 23 - Published at: 7 years ago

Panginoong lumikha ng kalangitan at lupa
Ang sansinukuban ay 'di sukat sa 'Yong kadakilaan
Ano pa kaya itong abang tahanan?

Ngunit Ikaw ang Ama na sa ami'y nagkalinga
Sa harap ng 'Yong dambana
Kaya't sa samo ng madla, magdalang habag Ka

Pumanaog Ka, Poon
Sa tahanang laan sa 'Yong kalwalhatian
Puspusin Mo ng biyaya
Ang dumudulog sa 'Yong dambana

( Hangad )
www.ChordsAZ.com

TAGS :