Song: Pawang Hamon
Artist:  Killahmic
Year: 2022
Viewed: 3 - Published at: 4 years ago

1st verse killahmic:

Anong balita? Gayong buhay padi't bumabangon/
Kapwa kanlungan ang usok, ang magapi ang kahapon/
Ay syang pagsubok na pawang naka-kubli mapang-hamon/
Man ang tadhana ay kayang tumawid kung maalon/

Sumagi man sa diwa ang malumo ay ni-minsan/
Di' kumalimot, sa pag buo ay di' mapigilan/
Hayaan mong yabungin, ang puso at lumiban/
Sa mapang-lamong budhi, ay kaya mong lumisan/

Takot ay tuluyan ng lumaho, kapwa nagbumilang/
Sa mga nakaw na panahong hayok at kung di' man/
Pawang palarin, gayong akma ito'y madungisan/
Mas pag aatupagin pang tumipa, ng tuwiran/

Pagkat gayon na lamang ang aking mailalathala/
Kasama ang aking gabay at panulat, pumanata/
Mistulang sabik humayo, handang maglumaya/
Gayong ang bukas ang sa palad ko'y naipa-ubaya/
Break:


2nd verse killahmic:

Armado kong lalagdaan ang mga bakanteng paksa/
Hina ay hinapo na ng mga di' mapekeng akda/
Pawang ang pagka-positibo'y nais maipusta/
Sa batang hinulma ng kahapon na syang nag humusga/

Gayong hapdi, sa karanasan, aking ginamit/
Upang punan ang mga dapat at tuluyang lumawig/
Kung mapagsubok man gayong mas pagtuunan mo't bakit?/
Ano ang 'yong malay at kung ano ang pwedeng kumabig/

Batid ko ang langit, ito'y wasto sa layon'g magbunga/
Kaya't laging handa taos kung maglumamon ng duda/
Tugon sa kwaderno'y pawang hamong angkop pumustura/
Mamugad sa bukas na ang layon subok nang natura/

Manog sa ayo't akmang pag-igtingin ang dalangin/
(Pag-igtingin ang dalangin)
Pagkat hamon ay layon'g maghumayop at humain/
Tinta ang buhat, kung sugat ma'y angkop mang bumaling/

( Killahmic )
www.ChordsAZ.com

TAGS :