Song: Pikit
Artist:  Peryodiko
Year: 2009
Viewed: 42 - Published at: 2 years ago

Sa isang saglit ay babalik
Nagdadasal nang nakapikit

Mapapatawad mo kaya ako
Kung iwanan ko nang sandali ang mundo mo
At bumalik sa kung saan ako huling nangarap nang gising
At nadama kong totoo ang ihip ng hangin

Paulit-ulit ang mga gabing di makatulog
Nahuhulog sa isang madilim na sulok
Naghihintay, nag-aabang, naghahanap ng paraan
Sa kung paano at kailan at kung ano pang dahilan

Sa isang saglit ay babalik
Nagdadasal na nakapikit

Mapapatawad mo pa ba ako
Sa tuwing nawawala ako sa sarili kong mundong parisukat
Dala-dalang mga gawa-gawang saklay
Alam kong hirap kang sumabay
Alam mong hirap ako
Paulit-ulit ang mga araw
Na parang kaytagal-tagal
Ang oras parang kaybagal-bagal

Naghihintay, nag-aabang
Naghahanap ng mga sagot
Sa kung paano at kailan
At kung anupang dahilan

Sa isang saglit ay babalik
Nagdadasal na nakapikit
Magbabalik sa isang saglit
Nagdadasal nang nakapikit

Nakapikit
Sa isang saglit ay babalik
Nagdadasal na nakapikit
Sa isang saglit ay babalik
Nagdadasal nang nakapit


Sa isang saglit ay babalik (Nakapikit)
Nagdadasal nang nakapit (Nakapikit)

Sa isang saglit (Nakapikit)

( Peryodiko )
www.ChordsAZ.com

TAGS :