Song: Salamin
Artist:  420 Soldierz
Year: 2015
Viewed: 106 - Published at: 9 years ago

[Verse 1]
Naaalala ko pa mga panahong kasa-kasama ka pa
Hindi maalis sa isip ko
Bawat araw may gumugulo
Nakikita ka pa rin sa harap ng salamin
Ano bang dapat gawin upang malimot ka
Kailangan ng tanggapin ang bukas ay harapin
Magising nalang na 'di na ikaw ang kasama
'Di ko rin inaasahang mangyayari 'to
Bumitaw ka sa higpit ng pagkakapit ko
Imumulat ang sarili sa katotohanang wala ka na
Pipilitin kong pigilin ang damdamin ko
Mag-isa nalang sigurong tatahakin 'to
Ang mga pangarap kong sa'n ay kasama ka
Sa salamin ko nalang ba makikita

[Chorus]
Sa tuwing ako’y titingin sa harap ng salamin
Bumabalik lahat ng ala-ala mo sa akin
'Yung dati na ba' yung ba’y tinapon mo na
Wala na bang pag-asa na maayos pa
Ang dati mong pagtingin ba’y nagbago na rin
Dahil bitbit ko pa rin
Ang mga pangakong 'di mo na ba tutuparin
Nakikita ka pa rin sa tuwing ako’y titingin
Sa tuwing nasa harap na ng salamin
[Verse 2]
Sa tuwing titingin ako sa salamin
Nakikita ka pa rin dinadalaw ako ng ating nakaraan
Binabalak tanawin masakit man tanggapin
Ang mga kahapon 'di na mababalikan
Matagal-tagal na rin ang tinahak natin na daan
Ang dulo ay magkasalungat
Padala-dala pa rin ang ala-ala nating 'di ko mabitawan kahit mabigat
Gano'n na lang ba itapon ko na ba lilimutin ko na ba ang lahat lahat sa'yo
Gusto kong isalba 'di na maresolba tangi kong magagawa ay titigan ka palayo
Kasabay ng pagpatak ng luha ay paghawi sa'ting mga nagdaan
Hanggang ngayon 'di pa rin tiyak ang mga nangyari sa'tin paano ko lalagpasan
Dinaan mo pa sa biglaan ang 'yong pagkawala
At yung tayong dalawa para sa'yo ay balewala
Sadya nga ba talaga ako ay walang halaga
Kaya pag-ibig mo sa akin ay binaling sa iba
Pinipilit maging tama ang bawat pagkakamali
Pagbitaw mo sa'kin para sa'yo ay madali
Pait ang bumabalot sa peke kong mga ngiti
Matamis na tawa na sa likod nito ay hikbi
Na hindi mo napuna hindi mo na makuhang tumitig sa'king mata
Hinayaan mo na lamang na walang pag-alinlangan na masayang
Lahat-lahat sa ating dalawa at
Sa muli kong pagharap sa salaminkasama ka pa rin ng aking matanaw
Pa'no pa makakausad palayo kung sa ating nakaraan hindi ako makabitaw
[Chorus]
Sa tuwing ako’y titingin sa harap ng salamin
Bumabalik lahat ng ala-ala mo sa akin
'Yung dati na ba 'yung ba’y tinapon mo na
Wala na bang pag-asa na maayos pa
Ang dati mong pagtingin ba’y nagbago na rin
Dahil bitbit ko pa rin
Ang mga pangakong 'di mo na ba tutuparin
Nakikita ka pa rin sa tuwing ako’y titingin
Sa tuwing nasa harap na ng salamin

[Verse 3]
Naaalala ko pa rin ngiti mo't paglalambing
Ano bang dapat na gawin para lang alisin ka na
Sa aking isipan pa'no iiwasan
Lumalarawan pa rin sa akin ang nakaraan nating dalawa
Landas na tinatahak natin na magkaiba
Bakit ba tayo humantong sa ganito
Pareho tayong bumitaw kahit hindi naman natin ginustong mangyare
Pero 'di na bale alam ko namang masaya ka na sa kaniya
Pipilitin ko na lang ipikit ang mata
Upang 'di makita na wala na talagang pag-asa

[Chorus]
Sa tuwing ako’y titingin sa harap ng salamin
Bumabalik lahat ng ala-ala mo sa akin
'Yung dati na ba 'yung ba’y tinapon mo na
Wala na bang pag-asa na maayos pa
Ang dati mong pagtingin ba’y nagbago na rin
Dahil bitbit ko pa rin
Ang mga pangakong 'di mo na ba tutuparin
Nakikita ka pa rin sa tuwing ako’y titingin
Sa tuwing nasa harap na ng salamin
[Verse 4]
Kamusta ka na limot mo na ba 'yung minsan na sa'tin ay may nagdaan
Ako? Kumukurot pa rin sa akin ang tamis ng ating mga nagdaan
'Di malaktawan ang nakaraan hindi ko makita ang hinaharap
Aminado akong ako ay nakakulong pa rin sa alaala nating kay sarap
Ang mga hirap sa isang iglap agad napapawi ng iyong ngiti
Ngayon ay hirap na hirap na akong ibalik ang mga masayang sandali
Pinaglayo man ng landas ang mga hakbang man natin ay nag-iba
Ramdam ko pa rin na kahit papa'no d'yan sa puso mo ay may natitirang
Pag-asa pa na maibalik alam mo namang ako ay sabik
Nadadaya ang isip subalit ang puso ay lumalaban upang ika’y mapabalik
Sa aking piling makapiling ka lang mahagkan kang muli sa t'wina
Ako na lang pala ang nangangarap noon kase ikaw ay hindi na
Babalik sa dahilan na ikaw ay masaya na sa piling niya
Masakit man 'yon 'di na ininda dahil ligtas kang kapiling niya
Ngunit tangan ko pa rin ang lahat ng mga ala-alang nagdaan sa atin
Sa tuwing titingin sa salamin habang pinaplano ang buhay natin

[Chorus]
Sa tuwing ako’y titingin sa harap ng salamin
Bumabalik lahat ng ala-ala mo sa akin
'Yung dati na ba 'yung ba’y tinapon mo na
Wala na bang pag-asa na maayos pa
Ang dati mong pagtingin ba’y nagbago na rin
Dahil bitbit ko pa rin
Ang mga pangakong 'di mo na ba tutuparin
Nakikita ka pa rin sa tuwing ako’y titingin
Sa tuwing nasa harap na ng salamin

[Outro/Chorus - Reprise]

( 420 Soldierz )
www.ChordsAZ.com

TAGS :