Song: Buo
Artist:  Anji (PH)
Year: 2021
Viewed: 7 - Published at: 5 years ago

[Verse 1]
Oo, ang dami kong pagkakamali bilang tao
Minsan napapaisip kung bakit ako ganito
Sa mundong palaging naghahanap ng perpekto
Ako'y hindi kumpleto

[Pre-Chorus]
Kaya noong ika'y biglang dumating, mundo ay nagbago
Ang lahat ng bigat na dinadala ay naglaho
Napapangiti na lang sa tuwing naiisip ka
Napapatanong

[Chorus]
Kung bakit ako ang pinipiling makasama
Pinapatawad at tanggap
Kung bakit ako'y minamahal mo nang tunay
Pinipili, tanggap, mahal mo akong buo
Oh, oh, oh

[Verse 2]
Oo, ang dami mong pagkakamali bilang tao
Pero hindi ko kailangan ng perpekto
'Pagkat pareho lang tayo, basta't nandiyan ka lang
Hindi na magtatanong pa
[Chorus]
Kung bakit ikaw ang pinipiling makasama
Pinapatawad at tanggap
Kung bakit ika'y minamahal ko nang tunay
Pinipili, tanggap, mahal kitang buo
Oh, oh, oh
Ooh, oh, oh, ooh

[Outro]
Ikaw ang tanging pinipiling makasama
Pinapatawad at tanggap
Ikaw ang, ang tanging mamahalin ko nang tunay
Pinilipit, tanggap, mahal kitang buo

( Anji (PH) )
www.ChordsAZ.com

TAGS :