Song: Sila Pa Rin
Artist:  Angela Ken
Year: 2021
Viewed: 8 - Published at: 2 years ago

[Verse 1]
Napakaraming tao
Manghuhusga sa isang tingin
'Pag nagkamali ka
Ang dignidad, 'di agad mababawi

[Pre-Chorus]
Sino'ng matatakbuhan?
Sino'ng kasamang ito'y lampasan?
Sino'ng kayang umakay?
Oh, aking tahanan, ako'y pilay

[Chorus]
Maski bali-baliktarin man
Sila pa rin, sila pa rin
Talikuran ka man ng mundo
Sila'y 'di maglalaho, sila pa rin

[Verse 2]
Kahit hindi ka kamahal-mahal
Kahit hindi ka tanggap ng lahat
Isang tawag mo lang
Pamilya mo'y nandiyan
Sila pa rin
(Ooh) sila pa rin
[Refrain]
Iba't iba man
Iba man ang pananaw natin sa buhay
'Yan ang nagpapatibay
Ng ating panghabang-buhay
Na pundasyon ng relasyon, ng relasyon

[Pre-Chorus]
Sino'ng matatakbuhan?
Sino'ng kasamang ito'y lampasan?
Sino'ng kayang umakay?
Oh, aking tahanan, payakap naman

[Chorus]
Maski bali-baliktarin man
Sila pa rin, sila pa rin
Talikuran ka man ng mundo
Sila'y 'di maglalaho, sila pa rin

[Bridge]
Kahit hindi ka kamahal-mahal
Kahit hindi ka tanggap ng lahat
Isang tawag mo lang
Pamilya mo'y nandiyan

[Outro]
Sila pa rin
(Ooh) sila pa rin
Pamilya mo'y nandiyan

( Angela Ken )
www.ChordsAZ.com

TAGS :