Song: Hanggang Sa Dulo
Artist:  Ebe Dancel
Year: 2012
Viewed: 18 - Published at: 2 years ago

[Talata]
Muling magtutuos ang liwanag at dilim
At pag-ibig ko ang aking patalim
Walang takot sumugod
Umaalab ang damdamin
Laban puso, 'wag susuko
Laban puso, 'wag susuko

[Pre-Chorus]
At sa pagsubok na ito
Ay hinding-hindi magpapadaig

[Koro]
Hanggang sa dulo ng daigdig
Hangga't may pag-ibig ika'y manalig
Ano mang bagyo o delubyo
Pasan ka man ng mundo
Hanggang sa dulo
Hanggang sa dulo kakayanin ko
Matagpuan ka lang
[Talata]
Dinggin mo ang sigaw ng aking puso
Sinta ga'no ka man kalayo
Ano mang sugat ang aking matamo
Laban puso, 'wag susuko

[Pre-Chorus]
At sa pagsubok na ito
Ay hinding-hindi magpapadaig

[Koro]
Hanggang sa dulo ng daigdig
Hangga't may pag-ibig ika'y manalig
Ano mang bagyo o delubyo
Pasan ka man ng mundo
Hanggang sa dulo
Hanggang sa dulo kakayanin ko
Matagpuan ka lang

( Ebe Dancel )
www.ChordsAZ.com

TAGS :