Song: Pluma V.2.0
Year: 2022
Viewed: 12 - Published at: 5 years ago

Gaano kalayo ang ikaw?
Pumapatak ang luha
Wala na ang init, ng pag-ibig?
Kupas na pahiwatig

Ng iyong mga tingin
Labis ko na pagtingin
Doon sa aking pagiisip
Sinubukan kong ika'y manatili

Gamit ang pluma ay
Ginuhit ang lugar ng
Ating pangarap na di na
Maaaring matupad

Nakatitig sa ulap at buwan
Ngunit hindi parin nasisilayang
Muli ang mga matang magpapaalam

Patuloy umagos ang damdamin
Umaasang ikaw parin
Hanggang sayo ko na marinig
Pagod ka na sa akin?
Sa aking mga halik
Nais madama ulit
Doon sa aking pagiisip
Sinubukan kong ikay mapasakin ulit

Gamit ang pluma ay
Sinulat ang masakit na
Ala-alang hindi na
Maaaring balikan

Naubos na lamang ang papel
Ngunit hindi parin gumagaling
Ang mga sandaling kapiling kita

Mahal, kakapitan ang kamay at lilibutin ang mga lugar kung saan
Pinangarap nating puntahan at magtagal at kinabukasan ay tingnan
Bilhin ang mga bagay at pagkain na ating paborito, humarap
Sa altar, bitawan ang mga pangako na sana'y di mapako
Hanggang dulo, ikaw at ako ay bubuo ng pamilya natin
Aalagaan ang mga supling na kaloob sa atin
Mahal, 'di na bibitawan pa ang kamay

Di ba't ang sarap ng ganitong pakiramdam?
Ngunit ang sakit dahil kabaliktaran na lang
Na ang lahat ng ito ay tanging sa pahina na lang
Isusulat gamit ang pluma at palalayain ka na
Na kahit gusto pang manatili sa ating dalawa
Sa mga pangako't pangarap na binuong magkasama
Ay wala, wala na ring saysay pa dahil wakas na
At huwag ng isumbat kung saan at sino ang nagkulang
Ang alam ko lang mahal kita kaya papalayain na
Mali, palalayain ko na ang sarili sa alaala nating dalawa
Paalam hanggang sa susunod na pagsulat sa pluma
Palayain at sumama ka kung saan ka sasaya
Haharapin ang bukas na ikay wala na
Tatangayin ng hangin itong mga talata

Mga gunitang pagkakataon na ika'y kapiling ko noon
Wala na ang lambing kailangan kong kayaning
Matulog na ang pusong handa ka nang limutin

( Seth Ursolino )
www.ChordsAZ.com

TAGS :